Sabado na. Huling araw na ng pangangampanya. Kung taga-Dagupan ka, alam mong huling araw na rin ito ng pakurong. Yata.
Anong pakurong? Oh, kamon! Wag mong sabihing hindi mo alam kung ano yan.
Ilang latang sardinas, ilang kilong bigas, ilang pirasong noodles at canton. Minsan, me kape at biskwit pa. Parang lamay lang.
Suhol ba to? Hindi ah. Tulong daw yan.
WOW!
Sino niloko nyo? Kung tulong yan, bat ngayon lang? Nung Pepeng pa kami nag-aabang ng tulong nyo ah. Isa pa, ba’t me kasamang flyer at sample ballot yang “tulong” nyo?
Bukod sa mga "relief goods", lantaran din ang bigayan ng pera pag ganitong mga panahon. Parang napaka-common na tanungan ng magkakapit-bahay yung “Magkano bigay ng kandidato mo?”
Kung kandidato ka at mas malaki ka magbigay, mas malaki ang tsansa mong manalo. Kasi kung maliit ang ibibigay mo, tatawanan ka ng mga botante at matatawag ka pang kuiripot.
Ibang klase no?
Nakakalungkot.
Yan na lang ba talaga ang katapat natin? Groceries at pera? Di na ba kayang baguhin ang sistemang yan? Ang lakas nating magreklamo sa mga corrupt na opisyal pero nagpapadala naman tayo sa mga ganyan.
Well, syempre sabi ng iba, tanggapin ang pera at iboto ang kursunada. Nangyayari nga kaya? Reality check. Tignan natin ang resulta ng mga nagdaang eleksyon. Hindi ba't karamihan sa mga natatalo e yung mga patas lumaban? Kumbaga, yung mga hindi nagbibigay dahil malamang e walang pambigay.
Mukhang ganun na naman ang mangyayari e. Abangan mong matapos ang bilangan. Tas tignan mo ang mga mananalo. Kadalasan o sa hindi, yan yung mga nagbibigay ng “rasyon.”
Diba?
Kaya abangan mo mamayang gabi. Kakatok si Santa Claus sa bahay nyo. Me dalang regalo. Kapalit ang boto mo.
Ingat ka lang. Baka expired ang ibigay na pagkain o baka fake ang pera. Ma-hassle ka pa.
1 comment:
the fact is.. they are not helping people. ginagawang nilang bobo ang mga dagupeƱo..iboboto sila sa halagang P500 or dahil sa relief na ipinamamahagi nila.. kung sino mang politiko ang involve dito.. maexpose sana kayo sa tv or kahit sa youtube ng magtanda kayo. ..good upbringing your parents must be proud of you .. ..mga walang kwentang politiko
Post a Comment