Tuesday, December 28, 2010
Monday, December 27, 2010
CD-R King Sa Nepo Mall
Okay ang konsepto ng shop. Ink ng printer, photo paper, optical mouse, webcam, keyboard, flash disk, router, digital photo frame, at lahat na ata ng may kinalaman sa computer, meron sila. Sabi nga ng Sandwich sa kanta nilang “Betamax”, “Lahat ng hinahanap mo, lahat ay nandito.”
At wag ka! Magugulat ka rin sa presyo dahil sobrang mura din ng mga produkto. Kaya kung meron kang mga kailangang bilhin sa pc mo, for sure matutuwa ka sa shop na to.
Kaso lang merong isang problema. Kasi ang laki-laki nga ng shop nila at andami-dami nga nilang benta, e sobrang bagal naman ng sistema nila. Higit sa lahat, mukhang kulang sila ng staff.
Ang diskarte kasi sa CD-R King, kukuha ka ng “priority number” tapos maghihintay kang matawag yun. Dumating ako run ng mga bandang 6pm tapos #17 yung nakuha kong numero. Sa kasamaang palad, #74 palang yung ine-enterian at that time. Since wala naman akong ibang pupuntahan, naisip kong patapusin na lang yung bilangan (hanggang #100 bago bumalik sa #1).
So yun. Ikot-ikot muna. Tingin-tingin ng mga paninda.
Astig talaga tong shop na to. Bagay nga saCD-R King yung slogan nilang “Your One-Stop Media Provider”. Sa dami ng benta nila (at sa mura ng presyo), hindi nakakapagtakang dumami ang customers ng shop na ‘to soon.
Kaso ang tagaaaaaaal! As in.
Yung ibang buyers, mukhang napikon na kakahintay at umalis na lang. Yung iba naman na merong mga kasama, nagkwentuhan na lang. Halos magkaubusan na nga ng topic e. Ako naman, syempre, nagsusulat ng draft para sa blog entry na to! Hahaha!
Tapos side comment nga ng isang customer, “Dapat pag nagpunta ka rito, umaga pa lang, nakapila ka na” Huwaw! Parang Wowowee lang ah! Hehehe…
Halos ma-memorize ko na lahat ng produkto, presyo at pangalan ng mga saleslady bago natawag yung 17. Whew! Sa wakas! Akala ko that time, mapapabilis na pero eto pa ang isang malupit sa CD-R King. Alam nyo bang manual lahat ng sistema nila? Oo, mano-mano ang pag-issue ng resibo dahil hindi sila automated.
Isang computer hardware and peripherals shop na hindi automated???
Parang lokohan lang, ano?
CD-R King, ayusin nyo ang sistema nyo, please. Madami man ang paninda nyo at mura man ang presyo nyo, madaming customers naman ang natu-turn-off sa style nyo. Pramis, mas dadami pa ang customers nyo kung mas pabibilisin nyo ang serbisyo nyo. Tsaka mababawasan ang mga mang-aaway sa inyo online! Hehehe...
Anyway, mga bandang 7:30 pm nako nakalabas. Syempre, yung #18 na yung inaasikaso ng mga saleslady. Habang palabas ng CD-R King, may nakasalubong akong bagong customer. Kumuha rin ng number.
Number 42.
Good luck na lang sa kanya!
Labels:
CD-R King,
Cool Stuff,
Dagupan City,
Nepo Mall
Wednesday, December 22, 2010
Monday, November 22, 2010
Monday, July 19, 2010
Disaster Preparedness

Oo, wag naman sana. Pero hindi imposible, diba? Lalo't mukhang hindi naman natuto ang karamihan sa atin. Wala pa ring pakundangan magtapon nga basura kung saan. Waldas pa rin tayo sa kalikasan at feeling natin, pag-aari natin ang buong mundo.
Syempre, tiyak na makakatulong ng malaki ang panalangin para maiwasan ang mga sakuna. Pero bukod dyan, kailangan din nating maging handa sa mga posibilidad. Bukod sa lahat, kailangan din nating gawin ang mga obligasyon natin na pangalagaan ang kalikasan.
Kung hindi, malamang, mauulit talaga - o baka mas malala pa.
Wag naman sana :(
Ang komik strip ay galing sa Sunday Punch (Puncheteria - June 28, 2010)
Labels:
Dagupan City,
Disaster Preparedness,
Philippines
Wednesday, June 30, 2010
Wednesday, June 9, 2010
Friday, June 4, 2010
"Thank You" Tarpaullin
Ako'y mayroong isang pangarap. Isang munting pangarap... Ngunit haharapin ko na ang katotohanan. Mukhang malabo itong magkatotoo.
Simple lang naman ang gusto kong mangyari. Makakita ng isang "thank you" tarpaulin ng mga nanalong kandidato na hindi magkapartido.
Kunyari, sa bandang junction. Me "thank you" tarpaulin dun sina Manang Gina at Noynoy.
Understandable.
Magkapartido e.
Sa iba pang parte ng syudad, meron ding iba't-ibang tarps galing sa iba't-ibang mga kandidato.
Sana lang meron ding isang tarpaulin na magkasama sina Mayor Benjie at VM Belen kahit di sila magkapartido, no?
Mas okay nga sana kung kasama rin nila yung mga winning councilors.
Di ba?
Mukha bang malabong mangyari?
Sana pwede.
Simpleng tarpaulin lang, oo, pero ito'y isang magandang paraan at makahulugang simbolo para ipakitang nagkakaisa ang mga local leaders natin at handa silang magsilbi sa syudad - ng sama-sama.
Di ba?
Ganda sana, no?
Haaaay.
Hanggang pangarap na lang yata talaga to. :(

Saturday, May 29, 2010
Pumapatak Na Naman Ang Ulan Sa Dagupan
Maulan na naman lately. Halos araw-araw na nga e. Napansin mo?
Sa bahay namin, pansin na pansin. Tumutulo ang bubong eh. Tapos pag malakas-lakas ang hangin, nakakakaba pa yung tunog ng yero.
Patapos na talaga ang summer. Hindi na mapipigilan. Tiyak, madaming matutuwa lalo't sobrang init nitong mga nagdaang buwan at linggo.
Di ba?
Kinulang ang hangin na kayang ibuga ng electric fan at aircon para makaramdam ng ginhawa dahil sa napakainit na panahon. Me mga araw na tipong kaliligo mo pa lang, basang-basa ka na naman ng pawis.
Ang tanong... Handa ka na ba?
Handa ka na ba sa tag-ulan? E sa bagyo at sa baha? Kung taga-Dagupan ka, alam mong magkapatid ang tatlong yan. Konting ulan, baha. Pag me nadaang bagyo, baha pa rin. At lately, dahil sa tinatawag nilang climate change, posible na maging mas malala pa nga ang mga mararanasan nating baha rito.
Naalala mo ba yung Pepeng? Sobrang nakaka-phobia yung experience na yun. Pero, oo. Baka sample pa lang yun. Baka mas malala pa yung mga parating.
Pano kasi, di na rin tayo natuto. Reklamo tayo ng reklamo pag bumabaha e di naman tayo marunong mangalaga ng kapaligiran. Sa jeep na lang, kunwari. Pansinin mo yung mga kumakain. Kahit alam naman na me basurahan dun sa loob ng sasakyan, bat kaya parang mas enjoy na enjoy pa ring magtapon sa bintana?
O kaya yung mga naglalakad sa kalye at nakaisip bumili ng candy ke Manang. Maliit na wrapper na lang, di pa magawang maibulsa at kelangan pa talagang ikalat kung saan.
At maraming-marami pang ibang na halimbawa na pwede nating banggitin gaya ng mga nagtatapon ng basura sa ilog, etc. Nakakahiya mang aminin pero mukhang hindi tayo natuto sa leksyong iniwan ni Pepeng.
Kaya mag-ingat lagi, mga kapatid. Darating ang ulan. Ang bagyo. At sigurado rin, ang baha. Marami naman kasi sa 'tin ang walang ginagawa para maiwasan - or at least, mabawasan man lang - ang mga ganitong pangyayari.

Saturday, May 15, 2010
Dear Mayor BSL
Eto na ang pagkakataon mo. Sulatan ang bagong Mayor ng Dagupan sa pamamagitan ng Facebook.
Kung gusto mo ng pagbabago, sabihin mo kung anong klaseng pagbabago ang nasa isip mo.
http://www.facebook.com/pages/Dear-Mayor-BSL/116629778373787
Wednesday, May 12, 2010
Dagupan 2010 Election Results
News Flash! Almost official na to. Naghihintay na lang ng proklamasyon ng Comelec any time now according to Action Radio.
Mayor
Benjie Lim
Vice Mayor
Belen Fernandez
City Councilors
1. Maybelyn Fernandez
2. Brian Lim
3. Jess Canto
4. Karlos Reyna
5. Dada Reyna
6. Jigs Seen
7. Alfie Fernandez
8. Chito Samson
9. Red Erfe-Mejia
10. Alvin Coquia
Benjie Lim
Vice Mayor
Belen Fernandez
City Councilors
1. Maybelyn Fernandez
2. Brian Lim
3. Jess Canto
4. Karlos Reyna
5. Dada Reyna
6. Jigs Seen
7. Alfie Fernandez
8. Chito Samson
9. Red Erfe-Mejia
10. Alvin Coquia
Congratulations sa inyong lahat. Magpapakabait kayo ha?
Tuesday, May 11, 2010
Si Erap At Ang PCOS Machine
Sa kabila ng pagco-concede ng iba't-ibang presidentiables gaya nina Manny Villar, Gilberto Teodoro, Richard Gordon at JC Delos Reyes, wala pa ring balak mag-withdraw sa karera si dating-pangulong Joseph Estrada.
At bakit naman daw sya magco-concede? E sabi ng PCOS Machine.. "CONGRATULATIONS"
Toingks.
Toingks.
Partial Unofficial Results For Dagupan
Sa balitang showbis... Mukhang mas gustong makipagbalikan ng Dagupan sa ex nyang si Benjie Lim (25,971 votes) kesa sa present-loveteam nyang si Al Fernandez (23,048 votes). Well, unless magbago pa ang resulta mamaya ayon sa boto ng mga fans.
Sa balitang palakasan... Si Belen Fernandez, malakas pa rin. 36,558 votes ba naman kumpara sa 10,323 votes ni Pacoy Torio.
Sa usapang business, mukhang magkakaron nga tayo ng Magic Mayor at CSI Vice.
Sa ulat panahon, mukhang panahon na para magkaron ng pinaka-unang artistang konsehal sa Dagupan. Si Maybelyn Fernandez kasi ang pinakamaraming boto sa bilang na 31, 470 votes - oo, mas marami pa boto nya kesa sa boto ng mga Mayor.
Second so far, e ang artistahing si Brian Lim (29,671 votes) at third naman si Dr. Jess Canto, canto, canto (to the tune of Quando, Quando yan ha?) na merong 26,977 votes.
Click lang sa GMANews.tv para sa mas me "sense" na pagbabalita. Ang korni ko e. Sorry ha. Ikaw kaya rito?
Labels:
2010 Elections,
Belen Fernandez,
Benjie Lim,
Dagupan City
Monday, May 10, 2010
Give Your Country A Dirty Finger - Vote!
Isang t-shirt design ng Analog Soul. Nakuha ko ang larawan mula sa Tumblr ni Gang Badoy. Ang cool diba?

Labels:
2010 Elections,
Cool Stuff,
Funny,
Philippines
Saturday, May 8, 2010
"Pakurong"
Sabado na. Huling araw na ng pangangampanya. Kung taga-Dagupan ka, alam mong huling araw na rin ito ng pakurong. Yata.
Anong pakurong? Oh, kamon! Wag mong sabihing hindi mo alam kung ano yan.
Ilang latang sardinas, ilang kilong bigas, ilang pirasong noodles at canton. Minsan, me kape at biskwit pa. Parang lamay lang.
Suhol ba to? Hindi ah. Tulong daw yan.
WOW!
Sino niloko nyo? Kung tulong yan, bat ngayon lang? Nung Pepeng pa kami nag-aabang ng tulong nyo ah. Isa pa, ba’t me kasamang flyer at sample ballot yang “tulong” nyo?
Bukod sa mga "relief goods", lantaran din ang bigayan ng pera pag ganitong mga panahon. Parang napaka-common na tanungan ng magkakapit-bahay yung “Magkano bigay ng kandidato mo?”
Kung kandidato ka at mas malaki ka magbigay, mas malaki ang tsansa mong manalo. Kasi kung maliit ang ibibigay mo, tatawanan ka ng mga botante at matatawag ka pang kuiripot.
Ibang klase no?
Nakakalungkot.
Yan na lang ba talaga ang katapat natin? Groceries at pera? Di na ba kayang baguhin ang sistemang yan? Ang lakas nating magreklamo sa mga corrupt na opisyal pero nagpapadala naman tayo sa mga ganyan.
Well, syempre sabi ng iba, tanggapin ang pera at iboto ang kursunada. Nangyayari nga kaya? Reality check. Tignan natin ang resulta ng mga nagdaang eleksyon. Hindi ba't karamihan sa mga natatalo e yung mga patas lumaban? Kumbaga, yung mga hindi nagbibigay dahil malamang e walang pambigay.
Mukhang ganun na naman ang mangyayari e. Abangan mong matapos ang bilangan. Tas tignan mo ang mga mananalo. Kadalasan o sa hindi, yan yung mga nagbibigay ng “rasyon.”
Diba?
Kaya abangan mo mamayang gabi. Kakatok si Santa Claus sa bahay nyo. Me dalang regalo. Kapalit ang boto mo.
Ingat ka lang. Baka expired ang ibigay na pagkain o baka fake ang pera. Ma-hassle ka pa.

Thursday, May 6, 2010
Bago Bumoto, Pag-Aralan Ang Mga Kandidato
Sabi nga ni Mareng Winnie Monsod, "Mas matimbang ang botanteng may alam.
Kaya bago bumoto, pag-aralan ang mga kandidato. I-click lang para makita ng malapitan.
Kaya bago bumoto, pag-aralan ang mga kandidato. I-click lang para makita ng malapitan.
Wednesday, May 5, 2010
Tuesday, May 4, 2010
Ito Na Ang Huling... Bangus Festival?

Oo, tama ang basa mo.
Ayon sa balita ay yun na raw ang huling Bangus Festival dahil sa susunod na taon ay papalitan na ito at tatawaging Gilon Gilon Festival.
Bakit kamo? At ano ang Gilon Gilon? Well, sa totoo lang, pareho kong hindi alam ang sagot sa dalawang tanong na yan! Hahaha!
Hindi ko maintindihan kung ano ang magandang rason kung bakit kailangang palitan ang Bangus Festival. At bukod dyan, di rin masyadong pamilyar sakin yung salitang Gilon Gilon.
Well, sabi ng iba, "harvest" daw ang ibig sabihin nun pero ewan lang. Di ko pa kasi narinig na ginamit yang salitang yan sa isang conversation.
Yun nga yung point kung bakit sa tingin ko e hindi magandang ideya na palitan ang Bangus Festival. Unang-una, very closely associated na sa Dagupan ang bangus. Try mo bumisita ng ibang lugar. Kadalasan, pag nalaman ng iba na taga-Dagupan City ka, magsasabi agad ng tipong "Magdala ka naman ng bangus rito next time". Di ba?
Isa pa, naitala na sa Guiness Book of World Records ang Bangus Festival noong 2003 kaya somehow, kilala na ito ng mga tao sa iba't-ibang lugar at maging sa ibang bansa. Kung gagawin nating Gilon Gilon Festival, hindi kaya maging back-to-zero na naman tayo nyan?
Kaya kapag narinig ng ibang lugar na Gilon Gilon, sa tingin mo, ano ang reaksyon na makukuha natin?.. Eto siguro ano: "Gilon Gilon? Ano yun?"
Yan yung ibig kong sabihing back-to-zero. Sayang yung in-establish ng syudad ng ilang taon. Sayang yung World Record. Sayang yung instant recall sa Dagupan. Sayang.

Me katotohanan kaya?
Ang Mayor at Vice Mayor tandem candidates kasi na sina Al Fernandez at Belen Fernandez ay nagpakalat ng mga tarpaulin nitong mga nagdaang linggo na me nakasulat na "Ang Taong Bayan ang Bida Sa Bangus Festival." Ito'y isang halatang patutsada sa katunggaling kandidato sa pagka-Mayor na si Benjie Lim na naunang nagpaskil ng mensaheng "Benjie Lim: Ama ng Bangus festival" dahil sa kanyang termino bilang Mayor noon nagsimula ang naturang festival.
Ano sa tingin nyo, mga taga-Dagupan? Me bahid nga kaya ng pulitika ito? Higit sa lahat, okay ba sa inyo na gawing Gilon Gilon Festival na lang?
Subscribe to:
Posts (Atom)