
Nabisita ko kamakailan ang branch ng
CD-R King sa
Nepo Mall Dagupan. Nasa 3rd floor ang pwesto at mukhang bagong bukas lang ito.
Okay ang konsepto ng shop. Ink ng printer, photo paper, optical mouse, webcam, keyboard, flash disk, router, digital photo frame, at lahat na ata ng may kinalaman sa computer, meron sila. Sabi nga ng Sandwich sa kanta nilang “Betamax”, “Lahat ng hinahanap mo, lahat ay nandito.”
At wag ka! Magugulat ka rin sa presyo dahil sobrang mura din ng mga produkto. Kaya kung meron kang mga kailangang bilhin sa pc mo, for sure matutuwa ka sa shop na to.
Kaso lang merong isang problema. Kasi ang laki-laki nga ng shop nila at andami-dami nga nilang benta, e sobrang bagal naman ng sistema nila. Higit sa lahat, mukhang kulang sila ng staff.
Ang diskarte kasi sa CD-R King, kukuha ka ng “priority number” tapos maghihintay kang matawag yun. Dumating ako run ng mga bandang 6pm tapos #17 yung nakuha kong numero. Sa kasamaang palad, #74 palang yung ine-enterian at that time. Since wala naman akong ibang pupuntahan, naisip kong patapusin na lang yung bilangan (hanggang #100 bago bumalik sa #1).
So yun. Ikot-ikot muna. Tingin-tingin ng mga paninda.
Astig talaga tong shop na to. Bagay nga saCD-R King yung slogan nilang
“Your One-Stop Media Provider”. Sa dami ng benta nila (at sa mura ng presyo), hindi nakakapagtakang dumami ang customers ng shop na ‘to soon.
Kaso ang tagaaaaaaal! As in.
Yung ibang buyers, mukhang napikon na kakahintay at umalis na lang. Yung iba naman na merong mga kasama, nagkwentuhan na lang. Halos magkaubusan na nga ng topic e. Ako naman, syempre, nagsusulat ng draft para sa blog entry na to! Hahaha!
Tapos side comment nga ng isang customer, “Dapat pag nagpunta ka rito, umaga pa lang, nakapila ka na” Huwaw! Parang Wowowee lang ah! Hehehe…
Halos ma-memorize ko na lahat ng produkto, presyo at pangalan ng mga saleslady bago natawag yung 17. Whew! Sa wakas! Akala ko that time, mapapabilis na pero eto pa ang isang malupit sa CD-R King. Alam nyo bang manual lahat ng sistema nila? Oo, mano-mano ang pag-issue ng resibo dahil hindi sila automated.
Isang computer hardware and peripherals shop na hindi automated???
Parang lokohan lang, ano?
CD-R King, ayusin nyo ang sistema nyo, please. Madami man ang paninda nyo at mura man ang presyo nyo, madaming customers naman ang natu-turn-off sa style nyo. Pramis, mas dadami pa ang customers nyo kung mas pabibilisin nyo ang serbisyo nyo. Tsaka mababawasan ang mga
mang-aaway sa inyo online! Hehehe...
Anyway, mga bandang 7:30 pm nako nakalabas. Syempre, yung #18 na yung inaasikaso ng mga saleslady. Habang palabas ng CD-R King, may nakasalubong akong bagong customer. Kumuha rin ng number.
Number 42.
Good luck na lang sa kanya!